-- Advertisements --

Sinimulan na ni Pope Leo XIV ang kanyang pagbisita sa ilang bansa sa South America upang talakayin ang iba’t ibang isyung kinahaharap ng rehiyon.

Inaasahang tatagal nang 12 araw ang kanyang pagbisita sa ilang lugar na may malaking populasyong Katoliko at kasalukuyang nahaharap sa matitinding sigalot sa politika.

Unang dumating ang Santo Papa sa Uruguay, isa sa mga bansa sa Latin America na kinikilala sa pagkakaroon ng matatag na demokrasya.

Mula roon, nakatakda siyang magtungo sa Argentina at Peru. Itinuturing ang naturang paglalakbay bilang isa sa pinakamahihirap na overseas trip ng isang lider ng Simbahang Katolika sa mga nakalipas na dekada.

Matatandaang sumailalim sa operasyon sa baga ang 71-anyos na Santo Papa noong nakaraang buwan. Umaasa naman ang Vatican na magpapatuloy ang kanyang paggaling at hindi na kakailanganin ang mga espesyal na pag-iingat sa kanyang kalusugan habang nasa biyahe.

Nakatakdang bumisita si Pope Leo XIV sa sampung lungsod at maghatid ng kabuuang 36 na talumpati para sa mga mananampalatayang Katoliko.