Hinimok ng Malacañang ang mga ahensiya ng pamahalaan na gawing simple ang kanilang Christmas parties bilang bahagi ng patuloy na mga hakbang sa pagtitipid ng gobyerno sa harap ng inaasahang mas matinding epekto ng El niño sa susunod na taon.
Ayon kay Palasyo, hindi naglabas ng bagong kautusan ang Palasyo, ngunit pinaalalahanan ang mga ahensiya na iwasan ang magagarbong pagdiriwang dahil marami pang suliraning nangangailangan ng pondo at atensiyon ng gobyerno.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya at lokal na pamahalaan na tiyakin ang sapat na suplay ng tubig, pagkain at kuryente, gayundin ang proteksiyon sa kabuhayan at kalusugan ng publiko.
Inatasan din ang mga ahensiya na tukuyin ang mga lugar na nanganganib sa kakulangan ng tubig at matinding init upang mauna ang paglalaan ng tulong at kagamitan.
Samantala, nakahanda ang National Irrigation Administration na magbigay ng mobile solar-powered irrigation pumps sa mga magsasaka sa region II, na inaasahang kabilang sa mga lubhang maaapektuhan.













