-- Advertisements --

Inanunsyo ng Office of the Ombudsman na mayroon pang apat na congressman ang nasa ilalim ng preliminary imbestigation na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ayon naman kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, umabot sa halos 79 na kaso ang naiuugnay ngayon sa maanumalyang flood control government projects sa bansa, 25 na kaso dito ang nasa ilalim na ng preliminary investigation at inihain sa Sandiganbayan.

Sa 79 na kaso, halos 67 na personalidad ang akusado, kasama na ang isang senador, isang dating senador, apat na mambabatas at isang dating congressman.

Kasama rin ang dating Department of Public Works and Highways secretary, 39 na DPWH personnel, siyam na kontraktor, dalawang congressional staff, at siyam na pribadong indibidwal.

Ani pa ni Remulla na mayroon pang dalawang non-bailable plunder case at 22 malversation of public funds cases, kung saan itinuturing din na non-bailable dahil umabot sa mahigit P8.8 milyon.

Ayon pa kay Remulla, nakapaghain na ang Ombudsman prosecutor ng 57 non-flood control cases kung saan naiuugnay naman ito sa 138 na respondents. Sa 57 na kaso, naiiugnay dito ang P13 bilyon na pondo ng bayan.

Dagdag pa ni Remulla na kabilang sa mga ginagawa ng mga sangkot sa corruption scheme ang pamemeke ng land ownership, outdated property valuation at ilan pang mga supporting documents upang makuha ang government compensation.