-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Hong Kong WTA250 si Pinay tennis star Alex Eala matapos na talunin si Tereza Valentova ng Czech Republic.

Hindi hinayaan ni Eala na makalamang pa ang 19-anyos na Czech player at nakuha ang 6-4, 7-6 (9-7). na panalo.

Tila nakabawi si Eala dahil dalawang beses na siyang tinalo ng Czech player.

Una ay sa Osaka noong 2025 at sa Doha Open noong nakaraang mga buwan.

Itinuring ni Eala na isang inspirasyon ang pagkatalo niya noon kay Valentova para tuluyang makamit ang panalo ngayon.

Inamin nito na hindi naging madali sa kaniya ang panalo lalo na at muntik ng umabot sa ikatlong set ang laro.

Pinasalamatan ni Eala ang mga Filipino community na nagbigay ng suporta sa kaniya para maipanalo lalo ang laban.

Susunod na makakaharap ng Pinay tennis star si world number 81 na si Antonia Ruzic ng Croatia.