-- Advertisements --

Ipinatupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pinakamataas na antas ng alerto para sa mga hakbang kontra sa posibleng pagkalat ng sunog sa mga kagubatan dulot ng matinding init ng panahon.

Nagtalaga na ang mga rehiyonal na tanggapan ng ahensya ng mga kinakailangang hakbang upang masigurong ligtas ang mga kabundukan at damuhan laban sa banta ng mga sunog.

Nilalayon ng mga hakbanging ito na maglagay ng mga tauhan para sa proteksyon ng kagubatan, magsagawa ng pagsasanay sa mga opisyal, maglatag ng mga fireline, magbawal sa open burning, at pansamantalang isara ang mga lugar na madaling maapektuhan.

Nakatutok din sa dalawampu’t apat na oras na pagbabantay ang mga Quick Response Team sa bawat rehiyon upang mabilis na umaksyon sa mga posibleng insidente ng pagdikit ng apoy sa kalikasan.

Hinihimok ng pamunuan ng ahensya ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan, kabilang ang mga magsasaka at opisyal ng pamahalaan, na iwasan ang pagsusunog at kaingin upang tuluyang maprotektahan ang mga likas na yaman.