-- Advertisements --

Sa pagsisimula ng NBA season 2026-2027, agad na nagpakitang gilas ang ilang koponan sa kanilang kampanya para sa kampeonato. Nangunguna sa Western Conference ang Houston Rockets na may record na 7 win at 1 loss , kasunod ang Memphis Grizzlies (6-1) at Portland Trail Blazers (4-1).

Samantala, tabla sa ikaapat na puwesto ang Los Angeles Lakers, Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs na may tig-5 panalo at 2 talo.

Sa Eastern Conference naman, nangunguna ang Philadelphia 76ers na may 7-1 record, kasunod ang Detroit Pistons (6-1) at Boston Celtics (5-2)

Sa talaan ng mga nangungunang scorer, pinangungunahan ni Luka Doncic ng Lakers ang liga sa average na 38.3 puntos kada laro. Pumapangalawa si Stephen Curry ng Golden State Warriors na may 30.0 puntos, habang ikatlo si Tyrese Maxey ng 76ers na may 29.1 puntos.