-- Advertisements --

Muling susubok si Filipina tennis star Alexandra Eala na makamit ang kanyang unang panalo kontra CzechRepublic player na si Tereza Valentova sa kanilang ikatlong paghaharap. Nakatakdang ganapin ang kanilang laban bukas Nobyembre 5, sa ganap na alas-6:30 ng gabi.

Sa kanilang dalawang nakaraang pagtatagpo, parehong nanaig si Valentova. Una silang nagharap sa Japan Open noong 2025, kung saan tinalo ng Czech player ang Filipina sa straight sets, 6-1, 6-2. Muli silang nagkaharap sa Qatar Open sa Doha noong Pebrero 2026, kung saan muling nagwagi si Valentova sa iskor na 7-6(6), 6-1.

Gayunpaman, papasok si Eala sa kanilang ikatlong paghaharap na may magandang momentum matapos talunin si Australian player Emerson Jones, 6-4, 6-3, sa opening round ng Hong Kong Open.

Samantala, nagmula naman si Valentova sa panalo kontra Japanese player na si Himeno Sakatsume, 6-3, 7-5, upang makapasok sa Round of 16.

Mas mataas din ang kasalukuyang ranggo ni Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) sa No. 17, kumpara kay Valentova na nasa No. 85.