Nakahanda umanong tanggapin ni United States President Donald Trump ang magiging resulta ng midterm elections sa Amerika, kabilang ang posibilidad na makuha ng Democratic Party ang kontrol sa Kongreso.
Sinabi ni Trump na handa siyang tanggapin umano ang resulta ng halalan at makipagtulungan sa mga Democrat.
“I am absolutely willing to accept those results,” pahayag ni Trump.
Dagdag pa ng pangulo, inaasahan niyang makakahanap ng paraan ang kanyang administrasyon upang makipagtulungan sa kabilang partido.
“We’ll work with the Democrats, and we’ll, you know, look forward to working with them. We’ll probably work something out,” ani Trump.
Ang midterm elections ay isinasagawa sa kalagitnaan ng termino ng isang pangulo upang pumili ng mga bagong mambabatas sa Kongreso at iba pang opisyal.
Matatandaang bago ang halalan, sinabi ni Trump na igagalang lamang niya ang resulta kung magiging “honest” ang eleksiyon.
Patuloy namang binabantayan ang resulta ng mga karera sa Kongreso upang matukoy kung mananatili sa Republican Party o mapupunta sa Democratic Party ang kontrol sa dalawang kapulungan.















