Tiniyak ng Malacañang na hindi papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang kuwestiyonableng budget insertion sa 2027 national budget na walang sapat na dokumentasyon, malinaw na paglalarawan at konkretong detalye ng mga proyektong pagkakagastusan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat gamitin ang pondo ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan at hindi para sa pansariling interes ng sinumang opisyal. Binigyang-diin din niya na walang lugar sa pamahalaan ang mga mapatutunayang umaabuso o nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Hinimok din ni Castro ang mga mambabatas na ilahad ang kanilang mga obserbasyon at rekomendasyon tungkol sa panukalang budget, dahil bukas umano ang Pangulo sa pakikinig sa kanilang mga paliwanag.
Samantala, nilinaw ng Palasyo na hindi makikialam ang Pangulo sa trabaho ng House of Representatives at Senado upang igalang ang magkakahiwalay na tungkulin ng mga sangay ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Castro na daraan pa sa pagsusuri ng Senado, bicameral conference committee o Bicam, at economic team ng Pangulo ang panukalang budget bago ito tuluyang lagdaan ng














