Sinumulan ni Pinay tennis star at kasalukuyang World No. 17 sa WTA Alex Eala sa panalo ang kanyang kampanya sa sa Hong Kong Open matapos niyang talunin ang Australian player na si Emerson Jones, sa score na 6-4, 6-3, sa Round of 32 nitong Martes sa Victoria Park Tennis Stadium.
Nakatakda sanang makaharap ni Eala ang American player na si Alycia Parks, ngunit umatras ito sa torneo bago ang kanilang laban. Dahil dito, pumasok bilang lucky loser si Jones, na natalo sa qualifying round.
Agad na ipinakita ni Eala ang kanyang agresibong laro sa unang set, kung saan agad siyang nakapagtala ng kalamangan sa score na 3-0, agad naman itong binawi ni si Jones sa pamamagitan ng sunod-sunod na service breaks upang mapalapit sa iskor.
Napanatili naman ni Filipina tennis star ang kanyang bentahe at nakuha ang unang set, 6-4. Mas naging kontrolado ni Eala ang ikalawang set matapos makapagtala ng mahahalagang breaks at lumamang ng 4-1.
Bagama’t nakabawi pa si Jones, hindi na pinayagan ni world No. 17 ang Australian na umabot pa sa deciding set ang laban at tuluyang isinara ang set sa score na 6-3.
Sa pag-usad sa Round of 16, susunod na haharapin ni Eala si Tereza Valentova mula Czech Republic na may 2-0 na bentahe sa kanilang head-to-head record sa WTA Tour.














