Maaari nang hiwalay na magsuspinde ng klase ang mga paraalan base sa safety risks gayundin ang pagbabalik ng face-to-face classes kahit pa nag-utos ang lokal na pamahalaan ng suspensyon, batay ito sa bagong panukala ni Pangulong Ferdidand Marcos Jr.
Ayon sa Executive Order No. 130, na pinirmahan noong October 28, nakapailalim dito ang tatlong sangay sa pagsususpinde ng klase, aktibidad, at maging ang on-site na trabaho sa pampubliko at pribadong paaralan.
Pinapayagan din nito ang mga paaralan na humiling ng mas maagang pagbabalik sa face-to-face classes kahit nananatiling umiiral ang suspensyon ng klase sa isang partikular na lugar.
Ito ay hangga’t ipinapakita ng pagsusuri sa mismong lugar na ligtas na ang sitwasyon at sumasang-ayon dito ang kinauukulang lokal na punong ehekutibo.
















