-- Advertisements --

Posibleng nakaabang lamang ang International Criminal Court (ICC) sa gobyerno ng Pilipinas kung isusuko o ipauubaya nito si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang inihayag ni Atty. Kristina Conti, ICC assistant to counsel, kaugnay ng umiiral na legal at political developments ukol sa mambabatas.

Ayon kay Conti, hindi naman lubos o direktang binabantayan ng ICC ang aktwal na proseso ng pag-aresto sa senador.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na nakatutok ang pandaigdigang hukuman sa magiging pasya at aksyon ng pamahalaan ng Pilipinas bilang responsableng awtoridad.

Matatandaang nahaharap si Dela Rosa sa mga imbestigasyon kaugnay ng kanyang naging papel sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Nananatili namang nakatutok ang publiko sa magiging opisyal na posisyon ng gobyerno sa oras na magpalabas ng mga pormal na utos ang ICC.