-- Advertisements --

Nagsagawa ng mga limitadong atake ang United States sa Qeshm Island ng Iran sa Strait of Hormuz bilang tugon sa pagpapaputok ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa isang eroplanong militar ng U.S.

Inilahad ng Iranian state news agency na naitala ang ilang serye ng pagsabog sa nasabing isla nitong Lunes habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon.

Naganap ang insidente bago ang U.S. midterm elections sa gitna ng pagbaba ng antas ng suporta kay U.S. President Donald Trump at panawagan ng kanyang partido na tapusin ang giyera na nagsimula noong Pebrero.

Inihayag ni Trump na wala siyang minamadali sa pagpapalakas ng mga atake laban sa Iran dahil naparalisa na umano ng U.S. ang ekonomiya ng naturang bansa.

Gayunpaman, binanggit ng pangulo na posibleng targetin ng U.S. ang “Pickaxe,” isang pasilidad na kaugnay ng nuclear programme ng Iran, na maaari umanong matapos sa loob lamang ng isang oras.

Samantala, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na kasalukuyang may masinsinang negosasyon sa tulong ng mga mediator, ngunit handa ang Tehran sa parehong diplomatiko at militar na sitwasyon.