-- Advertisements --

Umabot sa 1,136 land titles na sumasaklaw sa 1,741.43 ektarya ng lupang agrikultural ang ipinamahagi sa mga agrarian reform beneficiary (ARBs) sa rehiyon ng Bicol.

Pinangunahan ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III ang pamamahagi ng mga titulo sa 1,052 na benepisyaryo mula sa anim na lalawigan ng Bicol na matagal nang nag-abang sa kanilang karapatan sa lupa.

Binubuo ang mga ipinamahaging titulo ng 766 na Emancipation Patents at Certificates of Land Ownership Awards mula sa bagong sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program, habang 370 naman ang nagmula sa Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project.

Bilang karagdagang suporta, pormal ding binuksan ang isang 2.156-kilometrong kongkretong farm-to-market road sa Polangui, Albay na nag-uugnay sa mga komunidad ng Luya, Dalipay, at Sugcad upang mapabilis ang pagdadala ng mga produkto sa merkado.

Layunin ng mga hakbaping ito na hindi lamang patatagin ang karapatan sa pagmamay-ari ng lupa kundi pati na rin ang paghahatid ng mga serbisyong pang-imprastraktura para sa mas maunlad na pamumuhay ng mga magsasaka sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.