Arestado ang isang 68 anyos na babae matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7.48 milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City noong Oktubre 29, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Sitti,” Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA National Special Enforcement Team ZAMBASULTA at PDEA Zamboanga City Office, katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 1.1 kilo ng hinihinalang shabu, kabilang ang dalawang sachet na nagkakahalaga ng P680,000 at 23 karagdagang sachet na nagkakahalaga naman ng P6.8 milyon.
Nakumpiska rin ang buy-bust money, isang cellphone, weighing scale, gunting at iba pang personal na gamit.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











