Nagkasundo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Senate Finance Committee Chairman Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na alisin sa panukalang 2027 national budget ang mga proyektong kulang sa kinakailangang dokumento.
Itinakda ni Ejercito sa Nobyembre 3 ang deadline para isumite ng DPWH ang kumpletong dokumento at paliwanag para sa 6,271 bagong proyektong idinagdag sa bersyon ng Kamara ng panukalang budget. Aalisin ang mga proyektong hindi makasusunod sa mga requirement bago ang plenary deliberations.
Batay sa pagsusuri ng Senado, umakyat sa 16,244 ang mga proyekto ng DPWH sa bersyon ng Kamara mula sa 11,420 sa National Expenditure Program. Nauna ring kinuwestiyon ni Ejercito ang 155 flood control projects na nagkakahalaga ng P8.2 bilyon dahil sa kakulangan ng mga dokumento.
Binigyang-diin ng senador na kailangang mapabilis ang mga proyekto nang hindi isinasakripisyo ang wastong pagsusuri at mga reporma. Nangako naman ang DPWH ng pakikipagtulungan upang matiyak na maaalis ang mga kuwestiyonable at hindi kumpletong proyekto bago ang deliberasyon sa plenaryo.















