-- Advertisements --

Namahagi ng ready-to-eat food boxes at tubig na maiinom ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong hapon ng Biyernes, Oktubre 30, matapos maitala nitong umaga ang isang moderately explosive eruption sa Bulkang Mayon.

417,886 family food packs (FFPs), 14,137 ready-to-eat food (RTEF) boxes, and 28,366 packs of non-food items (NFIs) ang naihanda ng ahensiya agad makaraan ang pagputok ng bulkan, ani ng ahensiya sa pahayag.

Kasunod din ito nang ipag-utos ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Malilipot, at Tabaco City sa Albay ang mandatory evacuation para sa mga kabahayang nasa loob ng six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at pagtaas ng Alert Level 3 sa nasabing bulkan.

Ayon pa rito, iniatas na rin ng ahensiya ang SWAD Team at Disaster Response Management Division nito na magsagawa ng profiling sa mga lumikas dulot ng pag-alburuto ng bulkan.

Suspendido na rin ang klase sa mga apektadong lugar.