-- Advertisements --
Ligtas nang nakabalik ang 173 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na lulan ng flight ng Philippine Airlines PR462 matapos ang emergency landing nito ilang oras after ng takeoff, dakong alas-3 ng hapon ngayong Huwebes, dulot ng umano’y isang technical problem.
Tungo sanang Busan, South Korea ang eroplano nitong Oktubre 29, ngunit napilitan itong maantala matapos ianunsyo ng piloto ang isang aberya sa kalagitnaan ng byahe.
Agad namang dinala sa hotel ang mga apektadong pasahero para sa kanilang pansamantalang panunuluyan.














