-- Advertisements --

Nagtagumpay ang Philadelphia 76ers sa panibago nitong 4th-quarter comeback kasunod ng panalo kontra Indiana Pacers, 114-109.

Hawak kasi ng Pacers ang 13-point lead sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit pinilit itong habulin ng Sixers sa pangunguna ng sharpshooter na si Tyrese Maxey.

Hindi naman napigilan ng Pacers ang clutch offense ng Pacers at 50 secs bago matapos ang laban, naungusan na ng Sixers ang Pacers, 109-106 sa tulong ng clutch 3 ni Maxey.

Sinundan pa ito ni Maxey ng isang 3 points at dinala ang score sa 112-106, 40 seconds bago matapos ang laban.

Sa kabuuan ng 4th quarter, nagbuhos ng 39 points ang Phila habang 21 points lamang ang naiganti ng Pacers – daan upang tuluyang mabura ang deficit.

Maliban kay Maxey, gumawa rin ng 21 points ang bigman na si Joel Embiid, kasama ang 11 rebounds, habang 20 points at sampung rebounds ang ambag ng bagong Phila forward na si Jaylen Brown.

Nagkasya naman sa 26 points at 11 rebounds ang dating NBA champion na si Pascal Siakam, sa loob ng 34 mins na kaniyang paglalaro sa hardcourt.

Hawak na ng Sixers ang 4-1 na kartada habang 2-3 ang win-loss record ng Pacers.