-- Advertisements --

Natuklasan ng mga astronomo ang isang panibagong kandidato ng dwarf planet na maaaring mapabilang sa koponan ng mga dwarf planet ng solar system.

Gamit ang makabagong telescope ng Vera C. Rubin Observatory sa tuktok ng bundok Cerro Pachón sa Central Chile, namataan ng mga scientist ang tila isang ‘icy object’ na nago-orbit sa layong higit pa sa Pluto.

Pansamantala nila itong itinalaga sa ilalim ng pangalang 2026 ED138 kung saan may tinataya itong diameter na 600 at 1,500 kilometro at umiikot nang humigit-kumulang 46 na beses na mas malayo sa araw kumpara sa Earth.

Bilang paghahambing, ang Pluto naman ay umiikot sa average na humigit-kumulang 40 beses na mas malayo sa araw kumpara sa Earth.