Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga mobile network operators (MNOs) na paigtigingin ang kanilang validation sa mga SIM na mayroon mahigit isang pangalan ang nakarehistro.
Layon nito ay para agad na matugunan ang problema ng iligal na aktibidad gamit ang mga SIM cards.
Mahalaga aniya na maprotektahan ang mga consumers na sakop ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Kasama rin dito ang kautusan mula sa Philippine Naitonal Police (PNP) dahil sa dumaraming kaso ng online scams.
Sa nasabing direktiba ng NTC ay mayroong hanggang 15 araw ang mga telcos matapos na matanggap ang kautusan na agad na gumawa ng hakbang.
Hindi kasi naging mahigpit ang SIM Registration Act sa paglimita sa tao na magkaroon ng ilang SIM cards.













