Inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Oktubre 28 ayon sa state weather bureau.
Ayon pa sa weather bulletin board, makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at thunderstorms ang ilang mga probinsya sa bansa tulad ng Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque, at Oriental Mindoro.
Habang makararanas naman ng northeast monsoon o amihan ang Batanes, Cagayan, Isabela, at Apayao.
Samantala ang natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms dahil sa localized weather conditions.
Ayon pa sa state weather bureau, walang binabantayan na tropical cyclone o low pressure area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
Narito naman ang mga sumusuno na temperaturang mararamdaman sa ilang parte ng bansa:
- Metro Manila: 24 to 33 degrees Celsius
- Baguio City: 17 to 26 degrees Celsius
- Laoag City: 24 to 32 degrees Celsius
- Tuguegarao: 23 to 32 degrees Celsius
- Legazpi City: 26 to 33 degrees Celsius
- Puerto Princesa City: 25 to 33 degrees Celsius
- Tagaytay: 21 to 32 degrees Celsius
- Kalayaan Islands: 25 to 33 degrees Celsius
- Iloilo City: 26 to 32 degrees Celsius
- Cebu: 25 to 32 degrees Celsius
- Tacloban City: 26 to 33 degrees Celsius
- Cagayan De Oro City: 24 to 32 degrees Celsius
- Zamboanga City: 25 to 35 degrees Celsius
- Davao City: 25 to 34 degrees Celsius














