Muling maglalaro ng tennis si Spanish star Rafael Nadal matapos ang kaniyang pagreretiro.
Nakatakda itong sumabak kasi sa 2027 MGM Slam na gaganapin sa Estados Unidos sa darating na Pebrero 28, 2027.
Huling naglaro ito sa nasabing event ay noong 2024 ng makaharap ang kapwa Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz.
Nitong nakaraang linggo ay sumabak siya sa “Rafa Nadal Academy Slam” kung saan nakasama niya sa tiebreakers doubles sa kasama ang mga tennis legends na sina Andy Murray, Dominic Thiem, Fabio Fogini, Carlos Moa, David Ferrer, Marat Safin at Richard Gasquet.
Kabilang naman na inaasahang maglaro sa MGM Slams ang Swiss tennis star na si Roger Federer.
Noon pa man ay sabik na ang Swiss tennis player na makapaglaro sa mga exhibition games.
Sa nasabing torneo ay maaring makatambal nito si Nadal sa doubles.















