-- Advertisements --
Maraming flights pa rin ang nakansenla dahil sa patuloy na pag-atake ng mga Houthi rebels sa Saudi Arabia.
Nasa 86 percent ng mga scheduled flights sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia ang nakansela mula pa noong Oktubre 8.
Mula pa kasi noong unang linggo ng Oktubre ay pinaigting ng Houthi ang kanilang pag-atake sa Saudi Arabia na ang targets ay mga paliparan, pantalan at mga oil facilities.
Magugunitang noong Oktubre 10 ay aabot sa 13 katao ang nasawi dahil sa pag-atake ng Houthi rebels sa paliparan sa Saudi Arabia.
Bahagyang binuksan ng Saudi ang kanilang mga paliparan.















