Patuloy ang bahagyang paghina ng Bagyong Rosal habang tumutungo ito papalabas ng Philippine Area of Responsibility, batay sa state weather bureau PAGASA nitong 5:00 a.m.
Huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometro sa hilaga ng Itbayat, Batanes at kumikilos tungong timog-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
May taglay naman itong hangin na 150 kilometro kada oras at may bugsong aabot sa 185 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan, tanging ang kapuluan ng Batanes na lamang ang nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal no. 1 habang patuloy ang pagkilos ng bagyo papalabas ng PAR na inaasahan namang ngayong umaga ng Sabado.
Bagama’t nakatakda ring humina bilang severe tropical storm ang bagyo sa susunod na 24 oras, may tyansa pa rin ng ilang mga hangin at pag-ulan na mararanasan sa ilang bahagi ng bansa.
















