Patuloy na nananawagan si Navotas City Rep. Toby Tiangco na tuluyan maipasa na ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.
Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan nito ay maitataguyod ang ‘transparency’ at pananagutan sa pamahalaan.
Ang kawalanan aniya kasi ng transparency sa gobyerno lalo na sa paggastos nito ng pondo ay nagdudulot para maging kahina-hinala ang mga nakaupong opisyal.
Kaya’t panawagan niya na ito’y umusad na sa Kamara gayon inaprubahan na ang panukalang inakda ni Sen. Bam Aquino sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado.
Gamit kasi ang teknolohiyang ‘blockchain’ ay magkakaroon ng ‘access’ at masusubaybayan pa ng publiko kung papaano ginagastos ng pamahalaan ang pondo ng bayan.
Maliban dito’y mapapalakas din umano ang mga institusyon, matiyak ang pananagutan at mapagtitibay pa ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Dahil dito’y katuwang ang ilan pang mambabatas tulad nina Marikina Rep. Marcy Teodoro at Sen. Bam Aquino, kapwa nila hinihiling maaksyunan na ang nakabinbin panukala.












