-- Advertisements --

May inalok ang Department of Interior and Local Government (DILG) na P50 milyon na pabuya para sa agarang mahuli si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na itinuturing na armed and dangerous ang puganteng senador.

Lahat aniya ng mga mapayapang pagpapasuko sa Senador ay kanilang ginagawa para maiwasan ang anumang madugong engkuwentro.

Manggagaling ang nasabing halaga sa intel fund ng Philippine National Police at sa DILG.

Sa buwan kasi ng Nobyembre ay siyang isang taong anibersaryo kung saan naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity noong panahon niya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa madugong kampanya nito sa iligal na droga.