-- Advertisements --

Umabot na sa 16 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Nagqu region sa Tibet.

Ayon sa US Geological Survey nakita ang epicenter ng lindol sa may 183 kilometers ng East-Northeast ng Nagqu.

Nagtala rin ng 339 na mga kabahayan ang gumuho dahil sa lakas ng pagtama ng nasabing lindol.

Nagpakalat na ang mga otoridad ng rescue.

Sinuspendi rin ng gobyerno ang operasyon ng train at paliparan.

Pinagana na rinng China Earthquake Administration ang level II emergency response.