-- Advertisements --

Nakuha sa bag ng isang 9 na taong gulang na Grade 3 student ang isang baril at isang pocket knife sa isang pampublikong paaralan sa Opol, Misamis Oriental.

Natuklasan itong dala ang mga nasabing armas nang unang malaglag ang dala nitong patalim mula sa kaniyang bag.

Matapos namang suriin ang bag nito, dito na natuklasan ang isa pang armas na dala ng mag-aaral — isang .22 caliber gun na may kasamang limang bala.

Ayon naman sa mag-aaral, ang kanyang nakatatandang kapatid na Grade 4 umano ang naglagay ng mga nasabing armas sa kaniyang bag.

Sa patuloy na imbestigasyon ng pulisya, may inspeksyon naman anila sa gate ng nasabing paaralan kung kaya’t isip-isipan kung papaano ito napasok ng nasabing estudyante, samantala, hinala namang idinaan sa bakod ang bag kung kaya’t nakalusot sa inspeksyon.

Isinailalim naman sa interbensyon sa kustodiya ng mga social worker ang naturang mag-aaral. | via Star FM Dipolog