-- Advertisements --
Bumilis pa ang Super Typhoon Rosal habang kumikilos sa karagatan sa silangan ng Hilagang Luzon.
Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 990 kilometro silangan ng Hilagang Luzon habang kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 215 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 265 kilometro kada oras.
Dahil dito, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands, buong lalawigan ng Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, at hilaga at gitnang bahagi ng Apayao.
Kabilang din sa mga pinalabasang Signal No. 1 ang hilagang-silangang bahagi ng Ilocos Norte pati na ang hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes.














