-- Advertisements --

Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa panukalang batas na magpaparusa sa mga Pilipinong nagpapalaganap ng mga naratibo na puma pabor sa China, lalo na kung mapatutunayang nakaaapekto ito sa pambansang seguridad ng bansa.

Ayon Presidential Communications Office, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batas na pumu protekta sa ating soberenya at teritoryo at maging ang kapakanan ng mg Pilipino.

Nais din umano ng Pangulo na idaan sa diplomatikong usapin ang isyu sa China lalo na sa West Philippine Sea (WPS). kasabay ng panawagang magkaisa ang mga Pilipino sa pagtatanggol sa soberanya at pambansang interes.

Tugon ito ng Palasyo sa naging mungkahi ni PCG Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na panahon na para amyendahan ang Treason Law.

Samantala, Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin sa posibleng deklarasyong persona non grata laban kay Chinese Ambassador Jing Quan kasunod ng kontrobersiyal na pahayag nito.

Ayon pa rin sa PCO, dapat manatiling diplomatiko ang pakikitungo ng Pilipinas sa China, ngunit hindi uurong ang pamahalaan sa pagtatanggol sa karapatan at interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Giit ng naturang opisina, DFA na rin ang magbibigay ng detalye sa posibleng pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa embahador.