-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Filipino figure skater Michael Martinez ang kaniyang pagbabalik sa kumpetisyon.

Sa kaniyang social media account, ay sinabi niyang nakahanda na ito ng sumabak sa Philippine National Figure Skating Championships bago mag-30 ang edad niya.

Sinabi nito na marami siyang options sa kaniyang ika-30 kaarawan kung saan napili niya ang Philippine Nationals dahil sa edad na trenta ay dapat maging wais na ang pagdesisyon.

Inamin nito na hindi niya inaasahan na muling makapaglaban kaya nagbago ito ng desisyon na lumaban muli matapos ang ilang taon.