-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint National and Regional Peace and Order Council (NPOC-RPOC) Meeting para sa ikalawang semestre ng 2026 upang talakayin ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

Iniutos ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan na higpitan ang seguridad sa mga paaralan at magpatupad ng malinaw na proseso sa pag-uulat at pagtugon sa bullying, karahasan at mga emergency.

Iminungkahi rin ni Pang. Marcos na pag-aralan ang karanasan ng ibang bansa sa regulasyon sa paggamit ng social media ng mga kabataan.

Samantala, iniulat na 55,375 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya mula Enero hanggang Setyembre 2026 sa pamamagitan ng mga serbisyong paralegal.

Tinalakay rin sa pulong ang pagpapalakas ng police visibility, pagpapabilis ng emergency response at pagpapahusay sa mga hakbang laban sa krimen upang maprotektahan ang mga komunidad at mapanatili ang kaayusan sa bansa.