Hayagang sinabihan ni Sen. Kiko Pangilinan si Chinese Ambassador Jing Quan na umalis na sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng kontrobersiyal na pahayag kamakailan ng Chinese envoy, kung saan iginiit niyang madali lamang na maipanalo ng China ang military conflict laban sa PH kung gagamitan nila ng puwersa, ngunit hindi umano ito gagawin ng China.
Sa isang pahayag, hayagang sinabihan ng senador si Ambassador Jing na madali lang niyang lisanin ang Manila at tuluyan nang bumalik sa China.
Hindi aniya kailangan ng mga Pilipino ang mga dayuhang bisita sa porma ng mga mayabang at mapang-alisputang diplomat tulad ni Jing Quan.
Maalalang maliban kay Sen. Pangilinan ay ilang senador na rin ang naglabas ng pagkondena sa kontrobersiyal na pahayag ng Chinese ambassador at itinuring ito bilang pagbabanta.
Maliban sa mga senador, binatikos din ng mga mataas na opisyal ng PH si Amb. Jing dahil sa kaniyang mapanirang pagbabanta.
Kabilang dito si Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., at si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nagsabing maituturing ito bilang banta at posibleng ipatawag din niya ang Chinese official dahil sa binitiwang pahayag.















