-- Advertisements --
Magsisimula ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 16 ang 5th Asian Para Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Sasabak ang mga atleta ng bansa sa wheelchair basketball,table tennis at badminton.
Makakaharap ng wheelchair basketball team ng bansa ang 2023 Hangzhou Games silver medalist na South Korea.
Nakahanay ang Pilipinas sa Group B na makakaharap ang Iran at South Korea.
Naniniwala si Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo na magtatagumpay ang Pilipinas sa nasabing torneo.
Mayroong kabuuang 69 na atleta ang bansa na sasabak sa nasabing torneo.















