-- Advertisements --
Inaasahan ni Vice President Sara Duterte na magpapatuloy ang umano’y black propaganda laban sa kaniya, kabilang ang mga alegasyon at usapin na may kaugnayan sa 2028 national elections.
Ayon kay Duterte, posibleng magkaroon umano ng dayaan sa halalan sa 2028.
Giit niya, may mga politikong sinisiraan ang kanilang mga kalaban upang magmukhang malinis sa publiko.
Naghahanda na sila umano dahil inaasahan na nito ang tinatawag na ‘black propaganda’ laban sa kanya.
Kasunod Ito ng mga alegasyon laban kay Duterte mula kina Ramil Madriaga at dating pulis na si Rodulfo Gracioso jr., kabilang ang umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at pagtatago ng mga ari-arian.
Hindi nangangahulugang napatunayan na ang mga alegasyong Ito.
















