Ibinabala ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanilang mahigpit na babantayan ang mga presyo ng bottled water, plastic drums at ilang water containers.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa banta ng maaring magkaroon ng posilbleng hoarding at profiteering dahil sa banta ng Super El Niño.
Naghahanda na ang gobyerno sa matinding epekto ng super El Niño kung saan inaasahan na aabot sa level ng “very strong” bago ang pagtatapos ng 2026 at mananatili ng hanggang 2027.
Pinawi rin ng DTI na sapat pa rin ang mga suplay ng mga basic goods kung saan pinaigting nila ang kanilang price monitoring at nakikipag-ugnayan sila sa mga distributors at manufacturers para matiyak na magiging steady ang suplay ng mga basic goods.
Pagtitiyak ng DTI na kanilang sasampahan ng karampatang kaso ang sinumang mananamantala sa Super El Niño.
















