-- Advertisements --

Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang local voter registration sa buwan ng Nobyembre bilang paghahanda para sa 2028 national at local elections.

Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia na target nilang mapataas ang bilang ng mga rehistradong botante mula sa ibang bansa o mga overseas voters ng hanggang 1milyon.

Dagdag pa nito na magsisimula ang local registration s ikalawang linggo ng Nobyembre 2026 at magpapatuloy ng hanggang Hulyo 30, 2027 para may sapat na oras ang mga Pilipino na magrehistro, lumipat ng registration o mag-reactivate ng kanilang voting status.

Sa nasabing panahon din ay mayroong din sapat na oras ang COMELEC na maisapinal at linisi ang mga voters list, mag-print ng listahan ng botante at payagan ang mga kandidato para ma-verify ang mga registered electorate bago ang 2028 elections.

Sa kasalukuyan ay mayroong 71 milyon na registered voters ang COMELEC at inaasahan na mayroong dagdag na 3 milyon na botante pa ang magpa-reactivate ng kanilang registration na magdadala ng 74-M na mga botante sa 2028 elections.