-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ng Philippine Men’s National Team sa FIFA ASEAN Cup 2026 sa pamamagitan ng panalo sa Thailand 2-1 sa Si Jalak Harupat Stadium , Indonesia.
Naging bida sa panalo ng PMNFT si Bjorn Kristensen ng maipasok ang goal sa ikatlong minuto at 68th minuto.
Ito ang pangatlong pagkakataon na manalo ang PMFT sa Thailand na ang huli ay ang 2024 ASEAN Mitsubishi Electric Cup.
Kahit na panalo ay bigo pa rin ang Pilipinas na makapasok sa medal rounds matapos na naging pangatlo sa puwesto sa Group B na mayroong apat na puntos sa isang panalo , isang talo at isang draw.
Natalo kasi ang Pilipinas sa Vietnam 1-0 habang naging draw ang laban nila sa Pakistan 2-2.
















