-- Advertisements --
Nakahanda na si Pinay tennis star Alex Eala sa pagsabak niya sa Singapore Open.
Makakaharap niya sa main draw si Tatiana Prozorova ng Russia sa laro na gaganapin sa OCBC Arena center court.
Ito ang unang pagsabak ni Eala sa Singapore Open at ang unang paghaharap nila ni Prozorova sa round of 16 na gaganapin sa darating na Huwebes, Setyembre 24.
Nakapasok si Prozorova sa round of 16 matapos na talunin si Sofia Costoulas ng Belgium sa score na 5-7, 7-6(2), 6-2.
Habang nakamit ng 21-anyos na si Eala ang first round bye bilang Number 3 seed.
Nasa pang-six seed siya sana bago pa man mag-withdraw sina Jessica Pegula, Diana Shnaider at Sorana Cirstea sa WTA 500 event.
















