-- Advertisements --

Isa pang co-accused ni dating house speaker Martin Romualdez sa plunder case ang nakalabas na ng bansa, ayon sa Bureau of Immigration.

Sinabi ng BI na si private individual Joselyn Serenio ay umalis ng Pilipinas bago pa ma-isyu ang hold departure order laban sa mga akusado.

Nauna nang nakalabas ng bansa si dating mambabatas na si Zaldy Co, na bumiyahe abroad noong Setyembre 2025.

Samantala, nananatili sa Pilipinas ang isa pang co-accused na si Felicito Cristobal Guevarra.

Si Romualdez ay kasalukuyang nakadetine sa isang Quezon City Jail at nag-plead not guilty sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Aabot sa P7.4 bilyon ang kabuuang halaga ng umano’y bribes, anomalous budget insertions at project allocations na saklaw ng kaso.

Sinabi ng BI na patuloy nitong ipatutupad ang mga immigration measures alinsunod sa mandato nito, habang Hindi muna isiniwalat ang detalye ng biyahe ng mga indibidwal dahil sa data privacy act.