-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ni Atty. Michael Poa ang desisyon ng Senate impeachment court na pakinggan ang opinyon ng apat na retiradong Supreme Court Justices bilang Amici Curiae sa usapin ng voting threshold para sa conviction.

Ayon kay Poa, interesado siyang marinig ang legal insights ng mga retiradong Mahistrado hinggil sa bilang ng boto na kinakailangan para ma-convict ang isang impeachable official.

Sinabi rin niyang maaaring magsumite ng mga tanong ang prosecution at defense panel sa mga Amici Curiae sa pamamagitan ng Presiding officer ng impeachment court.

Umaasa si Poa na makatutulong ang mga opinyon ng mga eksperto sa paglilinaw sa constitutional issue bago magdesisyon ang impeachment court sa voting threshold.