Ipinahayag ni Senator Imee Marcos ang kanyang suporta sa pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), iginiit na mas makabubuting ilaan ang pondo sa mas agarang pangangailangan ng bansa.
Ayon kay Marcos, ang tinatayang P16 bilyong budget para sa halalan ay maaaring gamitin sa pagtugon sa krisis sa langis at iba pang mahahalagang serbisyo para sa mga Pilipino.
Binigyang-diin din ng senadora na mas mahalaga ang pagpapatuloy ng serbisyo sa barangay kaysa anumang pamumulitika, lalo na sa gitna ng kasalukuyang hamon sa ekonomiya.
Matatandaang ilang beses nang naantala ang BSKE sa nakalipas na mga taon. Noong 2023, ipinagpaliban ito mula Disyembre patungong Oktubre 2023, at muling itinakda para sa 2026.
Ang mga panukalang pagpapaliban ay karaniwang nakabatay sa pangangailangang maglaan ng pondo para sa mas agarang programa ng gobyerno.
Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin dahil sa sigalot sa Middle East, dahilan upang mas maraming mambabatas ang magmungkahi ng pag-realign ng pondo para sa mga programang makatutulong sa mga mamamayan.















