-- Advertisements --

Nagsagawa ng joint inspection sina DPWH MIMAROPA Regional Director Engr. Gerald A. Pacanan, CESO III, at Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor,  flood dike SA  Bongabong , Oriental Mindoro.

Ayon kay Director Pacanan , nagsasagawa na siya review sa lahat ng  government flood control projects sa kanyang nasasakupan

Ito ay para makagawa ng  komprehensibong report na isusumite sa DPWH national office.

Ito ay alinsunod sa kahilingan ng Pangulong Bongbong Marcos.

Tiniyak din ng opisyal sa publiko ang transparency, accountability, at ang de kalidad  na infrastructure.

Tiniyak din ni Pacanan kay Governor Dolor na  gagawin ng   DPWH MIMAROPA ang lahat ng paraan para maging maayos at kapaki-pakinabang sa mamamayan ng lalawigan ang mga proyekto ng kanilang tanggapan.