Ibinaba na ng PAGASA ang tyansa ng Low Pressure Area (LPA 04a) na nasa loob ng bansa, na maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras.
Mula sa dating ‘mababa’, ginawa na itong ‘unlikely’ o malabo.
Ayon sa weather bureau, lalo pang bumaba ang mga palatandaan na magiging ganap na bagyo ang naturang LPA, habang patuloy itong kumikilos sa loob ng PAR at nakaka-apekto sa malaking bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang naturang LPA sa layong 920 km silangan ng Southern Mindanao at lalo pang lumayo sa kalupaan ng bansa mula sa dating distansya na 805 km kaninang umaga (April 30).
Sa kabila nito, inaasahan pa ring magpapatuloy ang epekto nito sa ilang bahagi ng bansa, at magdudulot ng mga pag-ulan sa Mindanao na maaaring umabot pa sa Bicol Region.
Nakapaloob pa rin ito sa intertropical covergence zone (ITCZ) na tuloy-tuloy na nakaka-apekto sa Mindanao.