-- Advertisements --

Nasa 98.45 percent nang mga tauhan ng PNP ang nakatanggap ng booster vaccine.

Sa pinakahuling Coronavirus disease 2019 (COVID-19) tracker, sinabi ng PNP na nasa 220,132 sa 223,588 fully vaccinated personnel ng PNP ang nagpa-booster shot.

Sa ngayon, nasa 99.60 percent ng 224,483 na police force ang nabakunahan.

Nasa 239 o katumbas ng 0.11 percent naman ang naghihintay ng kanilang second shots habang 656 personnel o 0.29 percent ang hindi pa nababakunahan.

Wala namang ngayong naitalang kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP at isa na lamang ang active infection.

Sa data ng PNP Health Office naitala ang 48,863 cases ng covid mula nang magsimula ang pandemic.

Sa kabuuang bilang, 48,733 ang naka-recover habang 129 naman ang namatay.

Samantala, sinimulan naman ang rollout ng second booster shots para sa mga immunocompromised noong Abril 25.

Mayroon nang nabakunahang 6,702 ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC).