-- Advertisements --
image 96

Nasa 97 high-impact projects ang mapopondihan sa oras na maaprubahan na bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies chairman Senator Mark Villar nasa 72 sa mga proyekto ay private-Public Partnership (PPP) projects at 25 ang local PPP projects.

Maliban sa 97 mga proyekto, mayroon ding 190 infrastructure projects sa pipeline sa ilalim ng Build Better More program ng Pangulo.

Ipinaliwanag din ng Senador na kung ang pribado ang nagtayo ng proyekto para sa public utilities gaya halimbawa ng toll roads kikita ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis.

Ipinunto pa ng mambabatas na sa oras na maibigay ang mga proyekto na kailangan ng bansa, lahat ng returns nito ay babalik sa gobyerno.

Una rito, ilang mga Senador ang nagdulog ng concerns dahil sa kakulangan ng pagsusuri sa economic viability na isinumite ng state economic managers sa Maharlika Bill.

Sa kasalukuyan, ang enrolled copy ng MIF bill ay hindi pa naisusumite sa Malacañang kung saan una ng sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na posibleng maisumite ang panukala ngayong linggo.