-- Advertisements --
CEBU CITY – Inihayag ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na 96 swabs sa buong Central Visayas ang nagnegatibo sa Coronavirus disease(COVID-19) matapos sumailalim sa test sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Bumaba naman ang bilang ng person under monitoring (PUMs) mula 14,456 noong Abril 2, naging 7,743 na lang.
Sa apat na provincial hospitals at 12 district hospitals, dalawa ang naka-admit na may influenza-like illness habang 11 naman ang nasa home isolation.
Nasa ospital naman ang apat na may severe acute respiratory infection (Sari).
Dagdag pa ng gobernador na 2,100 na ang nakakumpleto sa 14 day quarantine.