-- Advertisements --
Pormal nang binuksan ang 95th season ng NCAA sa Mall of Asia Arena nitong araw.
Nakisabay sa performance ng rock icon na si Bambo sa opening ng NCAA ang mga manlalaro ng 10 member schools.
Kanilang itinampok ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng tila fiesta na kasiyahan at pagtanghal ng folk dances na may modern twist.
Pagkatapos ng mga performances, opisyal na idineklara na ni Arellano chairman Francisco Cayco ang kasalukuyang season.
Sinabi ni Cayco sa kanyang maiksing talumpati na sa 95th Season ng NCAA, umaasa siya na magkaisa ang 10 members schools sa kabila ng pagkakaiba.