-- Advertisements --
image 252

Sa kabila ng mga pagsubok na dumating ngayong taon, karamihan sa mga Pilipino ay handa na salubungin ang 2023 nang may pag-asa.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) simula Disyembre 10 hanggang 14 na nagpapakita na 95 percent sa mga Pinoy ang umaasa na sasalubungin ang bagong taon na may pag-asa kaysa takot.

Samantala, ang bilang ng mga Pilipinong papasok sa 2023 na may takot, ay tumaas sa 5 porsyento – isang bahagyang pagbaba mula sa 7 porsyento noong 2020 at 2021.

Mas maraming Pilipino ang ‘optimistic’ sa bagong taon kumpara sa mga naghihintay ng masayang Pasko.

Sa kabilang banda, lumabas din sa survey na 74 porsiyento ng mga Pilipino ay naghahangad na baguhin ang kanilang sarili para sa 2023, habang 20 porsiyento ang nagsasabing wala silang babaguhin sa kanilang buhay.